top of page




Ang "Sinag: Bagong Tanggol ng Wikang Filipino" ay isang onlayn na plataporma na naglalayong talakayin ang mga isyu, usapin, at historikal na pag-unlad ng wikang Filipino. Ito ay isang dyurnal na nilikha ng mga mag-aaral mula sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) na kumukuha ng kursong FIL161 (Historikal na Pag-unlad ng Wikang Filipino), na inaalok taun-taon ng Departamento ng Filipino at Panitikan (DFP).
Layunin ng paskilang ito ay bigyang-diin ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang kasangkapan para sa nasyonal na simbolismo at kaunlaran.
bottom of page