top of page

Ang Wikang Filipino sa Online Platform

Mga May-Akda: Maybelle Burlaos, Gino Guiritan, Jose Jr. Lozano, Ashki Willan Mugot, Jenny Marie Potutan, Lois Von Tangian,

Wikang Filipino sa Mundong Digital: Wikang Umusbong sa Online Platforms

Ang wikang Filipino ay patuloy na umaangkop sa mabilis na pag- usbong ng teknolohiya at mga online na plataproma. Ang artikulong ito ay naglalayong suriin ang kalagayan ng paggamit ng Filipino sa iba’t ibang anyo ng komunikasyon sa internet tulad ng social media. Tatalakayin dito ang mga hamon at opurtunidad na hatid ng digital na espasyo para sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng wika. Pinapakita rin ang papel ng wikang Filipino sa pagpapalakas ng identidad at pagkakaisa ng mga Pilipino sa kabila ng makabago at globalisadong konteksto o kontribusyon ng onlayn na plataporma sa wikang filipino. Sa huli, layunin ng artikulo na himukin ang mas aktibong paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika ng komunikasyon sa digital na mundo.

​

​

ANALISIS

Ang artikulo ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wikang Filipino sa digital na mundo, lalo na sa mga online na plataporma tulad ng social media. Isinasaad nito ang mga hamon at oportunidad na hatid ng teknolohiya sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng wika, na isang napapanahong usapin sa konteksto ng modernong globalisasyon. May mahalagang papel ang wikang filipino sa online na plataporma sa kasalukuyan; sa mga social media, balita, at iba pang online platforms. Bukod pa don, may mga positibo at negatibong hamon ang hinaharap ng wika sa media.

​

​

Wikang Filipino sa Domeyn ng Internet

Sa kasalukuyang panahon ang mga taong mulat sa modernisasyon ay laging umaasa sa mga panibagong teknolohiya. Isa na dito ang mga modernong mga kagamitan tulad ng Radio, Telebisyon, at Internet. Sa mabilisang paglaganap ng midya ay mas napadali ang paghahatid ng mga impormasyon sa ano mang sulok ng mundo. Milyun-milyong mga tao sa mundo ang gumagamit ng Internet. isa na rito ang mga Pilipino na gumagamit nito. Hindi lang sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, kundi pati na rin sa pangangalap ng mga impormasyon, mga nangyayari sa kasalukuyan at pati narin ang mga milyun-milyong balita na kumakalat sa buong mundo. Dahil dito mas napapadali ang buhay ng mga tao, sa pamamagitan lamang ng madaliang pananaliksik sa Internet ay marami ka nang makukuhang mga importanteng impormasyon ngunit bago tayo mag basa sa mga impormasyon na iyong nakalap ay tiyakin munang ito ay lehitimo at mapagkakatiwalaan. Madalas talagang ginagamit ang midya sa mga panahon ngayon ang pagiging aktibo sa Internet ay ang isa sa mga patunay nito na may iba’t ibang social sites ang laganap ngayon sa Internet isa na rito ang Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, at marami pang iba platamora hinggil sa internet.

​

​

Ang Kahalagahan ng Wika sa Internet

Sa sobrang bilis ng pag-unlad ng ating teknolohiya isa nag internet sa pangunahing kasangkapan sa ating pang araw-araw na buhay. Sa internet ang pangunahing sangkap ay ang komunikasyon at ito din ang nag sisilbing tulay ng bawat isa para makipag komunikasyon sa malayo at pagpapalaganap ng impormasyon. Ang wika ay mahalagang bahagi ng ating kultura at pagakakilanlan. Ngunit sa pamamagitan ng internet ang wika ay naging daan para mapanatili at maipagmalaki ang ating tradisyon at kasaysayan. Ang wika sa internet ay nag sisilbing isang instrumento sa pagpapalaganap ng kaalaman at edukasyon kasama dito ang mga online course, tutorial at iba pang pang edukasyon na plataporma. Ang wika may malaking apekto sa ating ekonomiya lalo na sa sektor ng negosyo sa pamamagitan ng internet. Ayon pa nga kay Gonzales (2014) bukod sa gamit ng wika sa akademya bilang pagbabahagi ng impormasyon , ang wika ay may mahalagang relasyon sa pambansang merkado. Pinapahayag dito na mahalaga ang wika sa negosyo lalo na ngayon sa internet kagaya na lamang ng online sellling at Affiliate marketing. Ang wika sa internet ay isang pangunahing kasangkapan sa pagpapalaganap ng impormasyon, komunikasyon, at kultura sa buong mundo. Sa panahon ngayon na mabilis ang pag usbong ng teknolohiya ang wika ay naging pangunahing tulay na nag-uugnay sa atin, nagpapahayag ng saloobin at nagbubukas ng mga abong oportunidad.

​

​

Ang Wikang Filipino sa Pagpapalaganap ng Kultura at Identidad sa Media

Ang wikang Filipino ay may malaking papel sa pagpapalaganap ng kultura at identidad ng mga Pilipino sa media. Sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa mga balita, pelikula, telebisyon, at social media, mas naiintindihan at nasusumpungan ng mga tao ang mga aspeto ng ating kultura, tradisyon, at kasaysayan. Ang mga programa at content na gumagamit ng Filipino ay nagiging daan upang mapanatili ang ating mga lokal na kaugalian, wika, at pananaw sa mundo. Naipapakita din ito sa labas or loob ng bansa ang ating mga ipinagmamalaking kultura tulad ng mga sayaw, awit, pagkain, at iba pang mga tradisyon na nag-uugnay sa bawat isa sa atin bilang isang bansa.

 

Bukod pa rito, ang paggamit ng Filipino sa media ay nakakatulong upang mapalakas ang ating pambansang identidad. Sa kabuuan, ang wikang Filipino sa media ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon, kundi isang mahalagang salamin ng ating kultura at identidad bilang mga Pilipino.

​

Ang Social Media ay nagdulot ng inobasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Dito nabuo ang mga pinaikling salita na nauuso ngayon kagaya ng “lodi”(idolo), “petmalu”(malupet)“werpa” (power). Bagama’t ang mga salitang ito ay produkto ng modernong panahon, ipinapakita nito kung gaano kalikhain ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng sarili. Gayunpaman, may mga diskusyon kung ang ganitong pagbabago ay nagpapalalim o nagpapababaw sa kahalagahan ng wika. Pinapakita nito ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa paggamit ng wika, ngunit ito rin ay nagdudulot ng panganib sa tamang paggamit ng balarila at tradisyunal na anyo ng Filipino.

 

Sa pamamagitan ng mga grupong nakatuon sa literaturang Filipino o mga post na nagbibigay-diin sa pagmamalaki ng sariling wika, mas napapalawak ang kaalaman ng mga tao sa kahalagahan ng Filipino bilang wika ng pagkakakilanlan. Bagama’t may hamon, nagiging mahalagang plataporma rin ang social media para maitaguyod ang kulturang Pilipino. Maraming vlog, post, at thread ang nagpapakita ng yaman ng kultura ng bansa gamit ang Filipino. Sa pamamagitan ng social media, muling binibigyang-halaga ang kasaysayan, panitikan, at sining na Pilipino sa paraang mas madaling maabot ng mga kabataan.

​

Sa kabila ng postitibong epekto, may mga hamon din na dulot ang Social Media sa paggamit ng wika. Ang maling paggamit ng balarila at paglaganap ng code-switching o Taglish ay nagiging pangkaraniwan. Ayon kay Santiago (2021), nagkakaroon ng "linguistic fragmentation" kung saan ang tamang estruktura ng Filipino ay nababalewala dahil sa halo-halong paggamit ng Ingles at Filipino. Ipinapakita ng social media ang dalawang magkaibang epekto sa wikang Filipino: ang pagiging plataporma nito para sa pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, ngunit kasabay nito ay ang unti-unting pagkawala ng tamang anyo ng wika. Sa pananaw ng sosyolingguwistika, ang mga pagbabagong ito ay sumasalamin sa impluwensya ng modernisasyon at globalisasyon, na bagamat nakakatulong sa paghubog ng wika, ay may kaakibat na panganib na mawala ang kayamanan ng tradisyunal na Filipino (Bautista, 2004).

​

​

Pagbaba ng Antas

Ang mabilis na pag-usbong ng mga bagong salitang Filipino o mga "slang" sa online world ay nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan, lalo na sa mga hindi pamilyar sa mga bagong termino. Maraming kabataan ang gumagamit ng mga salitang hindi pormal o hindi tiyak ang kahulugan, kaya’t nagiging mahirap para sa iba na makasunod sa usapan o magkaroon ng tamang interpretasyon.

 

Ang patuloy na pag-usbong ng mga bagong katawagan ay nagiging hadlang din sa pagpapalaganap ng wastong paggamit ng wika. Ang patuloy na paggamit ng mga "slang" o hindi pormal na wika sa social media ay nagiging sanhi ng pagbaba ng antas ng paggamit ng tamang Filipino. Halimbawa, ang mga kabataan ay gumagamit ng mga salitang pinaikling o pinaghalo-halong Filipino at Ingles (hal. "desurv," "bro," "werpa," atbp.) na maaaring magdulot ng kalituhan o hindi pagkakaintindihan sa mga hindi pamilyar sa mga ito.

​

​

Kritika at Konklusyon

Ang wikang filipino sa media ay may potensyal na magbigay ng malaking epekto sa pagpapalaganap ng kultura at komunimasyon, sa loob man o sa labas ng bansa. Nakakatulong din ang wikang Filipino upang mapadali ang paghahatid ng mensahe at mas mapalapit ang mga impormasyon sa nakararami, hindi lamang sa mga urbanisadong lugar kundi pati na rin sa mga probinsya. Sa kabila ng mga “slang”, ay ang patuloy na pagpapalaganap ng Filipino sa digital na mundo ay nagpapatibay sa ating wika, ngunit nangangailangan pa rin ng masusing pag-aalaga upang mapanatili ang kalinawan at kalidad ng wika.

 

Ang wika ay patuloy na lumalago at nag-a-adapt sa makabagong panahon, ngunit dapat pa rin itong gamitin nang maayos at may disiplina upang mapanatili ang integridad at identidad ng bansa.

 

Sa kabuuan, ang patuloy na pag-unlad at paglago ng mga online platform ay nagdulot ng iba't ibang pagbabago sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang ito at nakakaranas ng pagbabago sa aspeto ng sosyalisasyon dahil sa pagkakaroon ng oportunidad na makipag-ugnayan sa iba't ibang kultura at wika sa global na online nakaligiran. Sa pagtatapos ng pagtalakay, malinaw na ang wikkang Filipino ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng ating digital na landscape. Ang mga online platforms ay nagbigay ng isang bagong dimensyon sa paggamit at pagpapalaganap ng ating pambansang wika. Mula sa paglikha ng mga virtual na komunidad hanggang sa pag-iingat ng ating kultura, ang internet ay naging isang malakas na kasangkapan upang mapanatili ang buhay at kasariwaan ng wikang Filipino. Gayunpaman, hindi dapat nating kalimutan ang mga hamon na kinakaharap ng ating wika sa digital na panahon.

Mga May-Akda: Daryl Cruz, Leynard Mejos, Crizzyl Mae Navales, Fiona Nicole Paderna, Jade Pagalan, Grace Sanchez, Julie Ann Vicoy

Ang Wikang Filipino sa Social Media Platform: Epekto, Pag-unlad, at Hamon

Sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng ating modernong mundo na ating ginagalawan, lalo na sa larangan ng teknolohiya, naging isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang social media, isang anyo ng komunikasyon sa mass media. Sa mabilis na pag-usbong nito ay nakakaranas ang ating bansang Pilipinas ng isang bagong yugto ng pag-unlad at pagbabago, kabilang na rito ang ating wikang pambansa, ang Wikang Filipino. Dito nabigyan-daan ang mga Pilipino sa mas malawak na paggamit ng kanilang wika. Nagsisilbing bagong espasyo para sa komunikatibo, impormatibo, at transaksyunal na mga aspekto Ang mga social media platform. Ngunit hindi maiiwasan ang mga epekto ng social media lalo na sa ating pambansang wika. Kaya’t sa artikulong ito, ating susuriin ang mga positibo at negatibong implikasyon ng social media sa Wikang Filipino at tatalakayin natin kung paano nagiging isang mahalagang instrumento sa pag-unlad ng wika ang social media, ngunit sa kabilang banda, ay nagdudulot din ng mga problema at pagsubok sa paggamit nito.

​

​

Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino

Ang social media ay nagdulot ng malaking impluwensya sa paggamit at pag-unlad ng Wikang Filipino. Narito ang ilan sa mga pangunahing epekto nito: Pagpapalaganap at Pagpapalawak ng Saklaw: Ang social media ay naging isang mahalagang plataporma para sa pagpapahayag ng mga Pilipino sa buong mundo. Ang mga Pilipino sa ibang bansa ay nakakaugnay sa kanilang kultura at sa isa't isa sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa mga online platform. Paglikha ng mga Bagong Salita at Ekspresyon: Ang pagiging dinamiko ng social media ay nagbunga ng paglitaw ng mga bagong salita at ekspresyon na nagpapayaman sa bokabularyo ng Wikang Filipino. Ang mga ito ay kadalasang nagmumula sa mga meme, viral videos, at iba pang online phenomena.

​

Pagsusulong ng Pagkamalikhain at Pagpapahayag: Nagbibigay ang social media ng espasyo para sa mga Pilipino na maipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino. Mula sa pagsulat ng tula at kwento hanggang sa paggawa ng mga video at memes, nagagamit ang wika sa malikhaing paraan.

 

Ilan pang karagdagang impormasyon sa panahon ngayon maraming website o social media platform na ang pwedeng ma access ng mga kabataan. Kabilang na dito ang Facebook, Twitter, Instagram, Messenger, Threads at marami pang iba. Sa isang kilik ay marami na ang pwede mong gawin at mapabilang sa mga nabanggit na platforms. Isa itong libangan ng mga kabataan sa panahon ngayon dito sila nakikipag-interaksyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

​

Ngunit, nagkakaroon ito ng epekto sa atin ma pa positibo man o negatibo ito. Una ay ang pagiging tamad sa pag-aaral. Dahil sa mga website at laro, nahahati ang atensyon ng kabataan. Mas marami pa silang oras na ginugugol sa pag-access o paglalaro kaysa sa pag-aaral, kaya’t nagiging mas interesado sila sa mga makikita sa social media kaysa sa kanilang mga aralin.Pangalawa, pagkawala ng pormal na pagsulat dahil sa mga platform tulad ng Twitter na may limitadong karakter, maraming kabataan ang hindi gumagamit ng tamang grammar at pormal na estilo sa pagsulat. Ang paggamit ng mga pinaikling salita o "text speak" (halimbawa, "LOL," "grabe," "yung") ay nagiging sanhi ng pagbaba ng kalidad ng kanilang wika. pagkakaroon ng banyagang salita habang nakakatulong ang social media sa pagpapalawak ng bokabularyo, mas ginagamit ang mga banyagang salitang Ingles kaysa sa mga katutubong salita sa Filipino. Ito ay nagiging sanhi ng pagpapalit o pagkawala ng ilang mga Filipino na termino, tulad ng paggamit ng "computer" kaysa sa "kompyuter."

​

Bagama’t may mga negatibong epekto ang social media sa ating wika may umusbong pa rin na mga positibong epekto katulad ng, pagpapalaganap ng Wikang Filipino. Ang social media ay makakatulong sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino, lalo na sa mga kabataan. Ang mga post, memes, at videos na gumagamit ng Filipino ay mas naging popular, kaya’t mas mapapalawak ang paggamit ng wika sa digital na espasyo. Pangalawa, pagtutok sa kultura at tradisyon. Nagiging platform ang social media para sa pagpapalaganap ng mga kultura at tradisyon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga post na tumatalakay sa mga lokal na wika, kasaysayan, at kultura, mas napapalalim ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga pinagmulan. Panghuli, pagkilala sa mga bansa at komunidad. Binibigyan ng social media ang mga Pilipino, lalo na sa ibang bansa, ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa iba at mapanatili ang paggamit ng kanilang wika, kaya’t napapalaganap ang Filipino sa global na komunidad.

​

​

Pag-unlad ng Wikang Filipino sa Social Media

Isang malaking aspeto sa buhay ng mga Pilipino ang social media lalo na’t ito ay nakakatulong sa paglikha ng mga bagong salita, kagaya na lamang ng “forda ferson”, “balikbayan”, “halo-halo” at iba pa. Nagawa lamang ang mga bagong salita nang dahil lamang sa tulong ng social media kung saan ito ay ginagamit ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga platform tulad ng Facebook, Twitter, at Youtube, nakakatulong ito upang mapalawak ang komunikasyon ng mga Pilipino. Kadalasan rin na ginagamit ang Wikang Filipino sa mga tinatawag nating Vloggers o Influencers, kung saan nakakatulong ito sa pag unlad ng Wikang Filipino sa pamamagitan lamang ng paggamit nito upang ito ay mas lalo pang lumaganap sa buong mundo. Sa pamamagitan ng social media, nakakatulong ito upang mapadali ang ating pakikipag komunikasyon sa ibang tao, sa paglalahad ng kanilang mga impormasyon. damdamin o saloobin, ideya at iba pa.

 

Sa kabila ng mga negatibong epekto, ang social media ay nagsisilbing isang mahalagang instrumento sa pag-unlad ng Wikang Filipino. Narito ang ilan sa mga paraan kung paano ito nakakatulong:

​

Pagbuo ng mga Online na Komunidad: Nagkakaroon ng mga online na komunidad na gumagamit ng Filipino bilang pangunahing wika ng pakikipagtalastasan. Ang mga grupong ito ay nagsisilbing suportahan at mag-udyukan sa isa't isa sa paggamit at pagpapaunlad ng wika.

 

Pagpapalaganap ng Wikang Filipino sa Iba't Ibang Larangan: Ang social media ay nagsisilbing tulay para maabot ng Wikang Filipino ang iba't ibang larangan, tulad ng edukasyon, negosyo, at sining. Ang mga online platform ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga Pilipino na magbahagi ng kanilang mga kaalaman at talento sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino.

​

​

Hamon sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Social Media

Sa kabila ng mga positibong epekto, ang social media ay nagdudulot din ng mga hamon sa paggamit ng Wikang Filipino. Narito ang ilan sa mga pangunahing problema:

 

Paglaganap ng Taglish at Maling Gamit ng Gramatika: Ang madalas na paghahalo ng Filipino at Ingles (Taglish) sa social media ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kalinisan at wastong gamit ng gramatika. Ang kawalan ng pag-aalaga sa wastong pagsulat ay maaaring makaapekto sa pag-unawa at pagpapahalaga sa wika.

 

Pagkalat ng "Netizen Speak" at Slang: Ang paggamit ng mga slang at "netizen speak" ay maaaring magdulot ng pagbabago sa istruktura at kahulugan ng mga salita. Habang ang pagbabago ay natural sa wika, mahalagang tiyakin na hindi ito magdudulot ng pagkalito o pagbaba ng kalidad ng pagpapahayag.

 

Pagkakaroon ng mga Online na Pag-aaway at Panlalait: Ang social media ay maaaring maging lugar ng mga online na pag-aaway at panlalait, kung saan ang Wikang Filipino ay ginagamit sa negatibong paraan. Mahalagang matutunan ng mga gumagamit ang responsableng paggamit ng wika upang maiwasan ang ganitong mga sitwasyon. Pagkalat ng Maling Impormasyon (Fake News): Ang social media ay isang mabilis na paraan ng pagkalat ng maling impormasyon, at ang paggamit ng Filipino sa paggawa at pagbabahagi nito ay maaaring magdulot ng malaking pinsala.

​

​

Sa kabuuan, ang social media ay may malaking papel sa pag-unlad at paggamit ng Wikang Filipino. Sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at aktibong pagkilos, mapananatili natin ang kalinisan at kagandahan ng ating pambansang wika sa digital na panahon. Mahalaga ang pagtuturo ng wastong gamit ng gramatika at baybay, pagsusulong ng responsableng paggamit ng social media, pagsuporta sa mga online na komunidad na nagsusulong ng Wikang Filipino, at pagkaroon ng patuloy na pag-aaral at pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mapananatili natin ang Wikang Filipino bilang isang mahalagang bahagi ng ating kultura at identidad sa digital na panahon. Gayunpaman, ito ay may parehong positibo at negatibong epekto sa paggamit ng Wikang Filipino. Mahalaga na maging responsable sa paggamit nito upang mapanatili at mapayabong ang wika, at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na epekto. Huwag nating kakalimutan na ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastas, at mas epektibong pakikipag-ugnayan. Kung kaya, bilang isang kabataan ng bagong henerasyon dapat nating pangalagaan at tangkilikin ang wikang sarling atin maging sa mundo ng social media. Tayo ang umimpluwensiya sa social media at huwag nating hayaang tayo ang kontrolin nito.

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok
bottom of page