top of page

Ang Wikang Filipino Bilang Wika ng Karunungan

Mga May-Akda: Sheila Alarva, Janna Badlon, Aj Besandre, Theo Calunod, Princess Galdones, Samsidah Muti, ALex Ubagan, Kenzel Villaronte

PAGYABONG NG KARUNUNGAN SA WIKANG FILIPINO: ISANG PAGSUSURI SA PAPEL NITO SA EDUKASYON AT LIPUNAN

Naisip mo na ba kung paano umunlad at yumabong ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan? Mula sa pagkakatatag nito bilang pambansang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika ng bansa, hanggang sa pag-unlad nito bilang modernong wikang ginagamit sa edukasyon, midya, pamahalaan, at iba’t ibang sektor ng lipunan, malinaw na nasasaksihan ang patuloy nitong pagyabong. Sa paglipas ng panahon, pinayaman ang Filipino ng iba’t ibang katutubong wika at banyagang impluwensya—patunay ng kakayahan nitong umangkop at yumabong kasabay ng pagbabago ng lipunan.

 

Kaya naman, ang wikang Filipino ay hindi lamang midyum ng pang-araw-araw na komunikasyon kundi isa ring makapangyarihang kasangkapan sa paghubog ng kaisipan, pagpapahayag ng ideya, at pagpapalaganap ng kaalaman sa bawat Pilipino. Sa artikulong ito, layunin naming suriin ang papel ng Filipino bilang wika ng karunungan sa iba't ibang aspeto ng buhay ng tao: edukasyon, medisina at agham, batas, ekonomiya at negosyo, at social at digital na komunikasyon. Sa ganitong paraan, makikita ang kahalagahan ng wika sa paglinang ng talino, pagpapalakas ng pagkakaisa, at pagpapatibay ng pambansang identidad ng mga Pilipino.

 

Sa kabila ng pagiging pangunahing wika ng karamihan sa mga Pilipino, patuloy na nahaharap ang Wikang Filipino sa mga hamon na pumipigil sa pag-unlad nito bilang wika ng karunungan. Sa edukasyon, nananatiling Ingles ang wikang panturo sa maraming teknikal na asignatura, kaya’t limitado ang produksyon ng pananaliksik sa Filipino. Sa medisina at agham, kulang pa rin ang salin ng mga teknikal na termino; sa batas, nangingibabaw ang Ingles sa mga dokumento at proseso; at sa ekonomiya at negosyo, karamihan ng ulat at kontrata ay nakasulat pa rin sa Ingles. Maging sa digital na komunikasyon, hindi pa ganap na nabubuo ang estandardisadong bokabularyo para sa mabilis na nagbabagong konseptong teknolohikal.

 

Dahil dito, layunin ng papel na tuklasin kung paano mapatatag at mapauunlad ang Filipino bilang wika ng karunungan sa iba’t ibang domeyn ng lipunan kagaya sa edukasyon, medisina, agham, batas, ekonomiya, at social media, at unawain ang pananaw ng mga guro, propesyonal, eksperto, at mamamayan hinggil sa kahalagahan ng paggamit ng Filipino sa mga domeyn na ito.

 

Sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng pananaliksik na suriin ang pagyabong ng karunungan sa wikang Filipino sa edukasyon at lipunan, ay gumamit ng pamamaraang pagsusuri sa nilalaman at pagsusuri ng dokumento, gamit ang deskriptibong disenyo na nakatuon sa paglalahad, pagpapaliwanag, at paghimay-himay ng mga kasalukuyang kaalaman, pananaw, at hamon patungkol sa wikang Filipino sa edukasyon, medisina, agham, batas, ekonomiya, negosyo, at digital na komunikasyon. Gumamit rin ito ng sekundaryong saggunian tulad ng aklat, artikulo, at mga dokumentong nagtatalakay sa pagsusuri ng edukasyon at lipunan. Nilalayon nitong tuklasin kung paano mapauunlad at magagamit ang Filipino bilang wika ng karunungan sa mga nasabing domeyn.

 

​

Mga May-Akda:  Angel Ometer, Ashrafah Lomondot, Carl Rapal, Cristy Magdua, Christian Bongcawel, Hayanisah Barao, Shaena Ali, Mae Torbiso

ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN: PAGSUSURI SA AKADEMIKONG LARANGAN NG AGHAM, MATEMATIKA AT DIGITAL MEDIA

Ang wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon kundi sisidlandin ng karunungan, kultura, at identidad ng isang bayan. Sa Pilipinas, bagaman kinikilala ang Filipino bilang wikang pambansa at daluyan ngkarunungan, patuloy pa ring nangingibabaw ang Ingles bilang midyumngpagtuturo, lalo na sa mga teknikal na asignatura tulad ng aghamat sipnayan(Gonzalez, 2018). Ang dominasyong ito ay nagiging hadlang sa ganap na intelektuwalisasyon ng Filipino at sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga teknikal na konsepto (Sibayan, 1999; Bernardo, 2004), samantalang angkakulangan ng mga terminolohiyang pang-agham ay nagdudulot ng mas matinding pagsandig sa Ingles (Ferido, 2017).

 

Sa kasalukuyang panahon ng globalisasyon at mabilis na pag-unlad ngdigital media, lumalawak ang papel ng wika bilang kasangkapan ng pagkatutosa mga online na plataporma. Sa konteksto ng pag-aaral na ito, ang digital media ay tumutukoy sa mga online platforms tulad ng YouTube, TikTok, at Facebook, na ginagamit sa pagpapalaganap ng kaalaman sa aghamat matematika sa wikang Filipino. Gayunman, nananatiling dominante ang Ingles sa mga nilalamang pang-edukasyon at teknolohiya, kaya’t limitado pa rin angpapel ng Filipino bilang wika ng karunungan sa digital na espasyo (Cruz, 2021; Almario, 2020).

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok
bottom of page